Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang maharang sa checkpoint ng mga elemento ng Armys 64th Infantry Battalion (IB) ang nasabing mga troso sa bisinidad ng Lower Sarakan, Busagan, Norte sa bayan ng Matanog.
Nang hanapin ng mga sundalo ang environmental clearances ng mga troso sa mga pahinante ng mga nasabing sasakyan ay wala itong maipakita.
Dahil dito ay napilitan ang mga sundalo na kumpiskahin ang nabanggit na mga troso na pag-aari nina Ali Talib, Narudin Cadal, Sambay Rasul at Undang Sampora.
Inihayag naman ni Lt. Col. Melvin Gutierrez, hepe ng nasabing batalyon na nagtungo sa kanilang tanggapan ang nasabing mga may-ari at ipinakita ang mga CENTRO certificates, subalit kailangan pang maberipika ang mga ito upang malaman na hindi pinalsipika ang naturang mga papeles.
Kasalukuyang naka-impound sa himpilan ng Armys 64th Infantry Battalion (IB) ang mga troso para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)