^

Probinsiya

Milyong troso nasabat

-
CAMP AGUINALDO – Tinatayang umaabot sa milyong halaga ng troso ang nasamsam ng tropa ng militar matapos masabat ang isang 10 wheeler truck at dalawang jeep na kapwa puno ng mga kargang kahoy sa checkpoint sa Matanog, Maguindanao kamakalawa.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang maharang sa checkpoint ng mga elemento ng Army’s 64th Infantry Battalion (IB) ang nasabing mga troso sa bisinidad ng Lower Sarakan, Busagan, Norte sa bayan ng Matanog.

Nang hanapin ng mga sundalo ang ‘environmental clearances’ ng mga troso sa mga pahinante ng mga nasabing sasakyan ay wala itong maipakita.

Dahil dito ay napilitan ang mga sundalo na kumpiskahin ang nabanggit na mga troso na pag-aari nina Ali Talib, Narudin Cadal, Sambay Rasul at Undang Sampora.

Inihayag naman ni Lt. Col. Melvin Gutierrez, hepe ng nasabing batalyon na nagtungo sa kanilang tanggapan ang nasabing mga may-ari at ipinakita ang mga CENTRO certificates, subalit kailangan pang maberipika ang mga ito upang malaman na hindi pinalsipika ang naturang mga papeles.

Kasalukuyang naka-impound sa himpilan ng Army’s 64th Infantry Battalion (IB) ang mga troso para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALI TALIB

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

LOWER SARAKAN

MATANOG

MELVIN GUTIERREZ

NARUDIN CADAL

SAMBAY RASUL

UNDANG SAMPORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with