Tsinoy trader kinidnap sa Cavite
July 10, 2004 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM., Laguna Isa na namang negosyanteng Tsinoy ang pinaniniwalaang dinukot ng grupong kidnap-for-ransom noong Martes ng hapon, Hulyo 6, 2004 sa parking area ng Jollibee na sakop ng Barangay Gavino Maderan, General Mariano Alvarez, Cavite, ayon sa ulat ng pulisya.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christine Margaret Sy ng 1176 La Campana Compound, EDSA, Balintawak, Quezon City.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente habang ang biktima ay lulan ng kulay berdeng Nissan Exalta na may plakang WNB-267.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, pasakay na ang biktima sa sariling kotse mula sa Jollibee nang lapitan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan. Iniwan ng mga kidnaper ang kotse ng biktima sa parking lot.
Dahil sa may katagalang nakaparada ang kotse ng biktima ay agad na ipinaalam ng security guard na si Junnenry Malia sa manager na si Arnold Montenegro.
Ayon pa sa ulat, mabilis naman nilapitan ng dalawa ang nakaparadang kotse ng biktima upang usisain hanggang sa madiskubre nilang hindi naka-lock ang mga pintuan nito.
Agad naman ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente hanggang sa matagpuan ang LTO Certificate of Registration/ Official Receipt (CR/OR) ng sasakyan na nakapangalan sa biktima.
Nabatid pa sa ulat, na nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa pamilya Sy upang ipabatid na ang sasakyan ng biktima ay natagpuan.
Subalit inakala naman ng ina ng biktima na mga kidnaper ang tumawag sa kanila kaya nadiskubre na insidente dahil binanggit na kulang pa ang pera para sa ransom.
Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa nabatid kung pinalaya na ang biktima. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest