Barangay chairman tinodas

BATANGAS – Binaril sa ulo at napatay ang isang barangay chairman ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nasa sariling bahay sa Barangay Bibilwan, Agoncillo, Batangas kamakalawa ng umaga. Basag ang bungo ng biktimang si Ricardo Mercado matapos na upakan ng mga rebeldeng na nagpakilalang mga kagawad ng pulisya mula sa Laguna PNP Regional Command. Lumilitaw sa pagsisiyasat, bandang alas-5:45 ng umaga nang patuluyin ng biktima ang mga armadong kalalakihan sa pag-aakalang mga awtoridad. Ayon pa sa ulat, pagsapit sa balkonahe ng bahay ay patalikod na pinaputukan sa ulo ang biktima. Napag-alaman sa pulisya, na si Mercado ay kilalang tiktik ng militar. (Ulat nina Arnell Ozaeta/Ed Amoroso)

Show comments