Misis sinakal, ibinitin ng mister

CAVITE – Sinakal hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na misis ng sariling asawa makaraan ang mainitang pagtatalo sa kanilang bahay sa Barangay Dacon, General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Lilibeth Anacete, samantalang ang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Danilo Anacete, 27, kapwa residente ng nabanggit na barangay. Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, bago pa mapatay ng suspek na lango sa alak ang kanyang asawa ay nagkasigawan pa ang dalawa hanggang sa gulpihin nito ang babae at sakalin hanggang sa mapatay. At upang itago ang krimen ay ibinitin ang biktima upang akalain ng pulisya na nag-suicide, subalit pinabulaanan naman ito ng anak na nakasaksi sa krimen. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments