^

Probinsiya

Magsasaka tsinap-chop saka inilagay sa poso negro

-
LIGAO CITY – Isang 35-anyos na magsasaka na napaulat na pitong araw ng nawawala ang nadiskubre ng mga awtoridad na hiwa-hiwalay ang katawan at nakapaloob sa poso-negro kamakalawa ng hapon sa Sitio Tobogon, Barangay Batang sa lungsod na ito.

Ang katawang pinagputol-putol ay nakilalang si Delfin Quibot ng Barangay Binanuahan na huling namataang buhay na nakikipag-inuman ng alak sa kanyang kaibigan.

Itinuturing namang suspek ang mag-amang sina: Antonio Bon Sr, 45, at Antonio Bon Jr., 23, na kapwa nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya sa Ligao City.

Sa imbestigasyon isinumite kay S/Supt. Guillermo Paguio, Albay police provincial director, ang pagkakadiskubre sa bangkay ay dahil sa reklamo ng asawa ng biktima na nawawala simula pa noong Hulyo 1, 2004.

Agad naman kumilos ang pinagsanib na puwersa ng PNP Albay at National Bureau of Investigation at nang makakuha ng search warrant na inisyu ni Judge Edwin Maalat ng Ligao Regional Trial Court Branch 14 ay hinalughog ang bahay ng mag-amang suspek.

Natagpuan ang chop-chop na katawan ng biktima na nakasilid pa sa sako at ipinoso-negro pa ng mag-amang suspek dakong alas-6 ng gabi.

Napag-alamang nakagalit ng biktima si Antonio Jr. at nagsumbong sa ama.

Ayon pa sa pulisya, naglalakad papauwi ang biktima nang harangin ng mag-ama at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

ANTONIO BON JR.

ANTONIO BON SR

ANTONIO JR.

BARANGAY BATANG

BARANGAY BINANUAHAN

DELFIN QUIBOT

ED CASULLA

GUILLERMO PAGUIO

JUDGE EDWIN MAALAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with