3 tiklo dahil sa pampasabog

CAMP AGUINALDO – Muling naudlot ang paghahasik ng terorismo sa Kamindanawan makaraang madakip ng mga tauhan ng 73rd Infantry Battalion ang tatlong sibilyan na nagtatago ng mga pampasabog sa Barangay Lumiad, Paquibato District, Davao City kamakalawa, ayon sa ulat ng militar. Kasalukuyang sumasailalim sa masusing interogasyon ang mga suspek na sina: Andres Baticura, Ronnie Binigaan at Alvie Baticura na nagtatago ng 40 ammunition para sa grenade launcher, apat na mina at walong magazines na puno ng bala para sa M-14 assault rifle. Ayon sa ulat, ang tatlo ay pinaniniwalaang nagbibigay ng mga pampasabog sa grupong terorista para maghasik ng karahasan sa Mindanao. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments