Lider ng NPA todas sa engkuwentro
July 8, 2004 | 12:00am
CAMP NAKAR, LUCENA CITY Isang mataas na lider ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang namatay matapos na maka-engkuwentro ng mga ito ang tropa ng pamahalaan sa Barangay Barahan, Sta. Cruz, Occidental Mindoro, kahapon ng umaga, ayon sa ulat na tinanggap ng Southern Luzon Command (SOLCOM).
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni SOLCOM Commander, Lt. General Alfonso Dagudang, kinilala ang napatay na rebelde na si Sonny Boy Punzalan, alyas Ka Sonny, may-asawa at tumatayong lider ng KLG-52 na kumikilos sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Ayon kay Major Jose Broso, commander ng Civil Relations Group for Southern Tagalog, dakong alas-7:30 ng umaga ay nagsagawa ng combat security operation ang tropa ng 16th IB, P.A. sa ilalim ng pamamahala ni Col. Fernando Mesa nang makasagupa ng grupo ni Ka Sonny.
Tumagal ng ilang minuto ang pagpapalitan ng putok hanggang sa walang buhay na tumimbuwang ang lider ng mga NPA. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended