5 timbog sa nakawan sa lumubog na barko'
July 5, 2004 | 12:00am
MARIVELES, Bataan Limang mangingisda ang iniulat na dinakip ng mga awtoridad makaraang maaktuhang naninikwat sa lumubog na SuperFerry 14 kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan.
Kabilang sa mga naarestong suspek at ngayon ay nakapiit ay nakilalang sina: Roberto Umlang, 44; Roland Duco, 45; Artemio Sita, 37, na pawang nakatira sa Sitio Naswi Barangay Ipag, Mariveles; Charito Malubo, 43, ng Barangay Reformista Limay at Ruel Sosmina, 36, ng Barangay Poblacion, Mariveles.
Sa isinumiteng ulat kay Police Superintendent Elmer Macapagal, Bataan provincial director,
Lumitaw na dakong ala-una ng madaling araw kamakalawa nang naaktuhang ng mga awtoridad na inilalabas ng mga suspek ang mga ninakaw mula sa lumubog na barko.
Nakarekober sa tatlong bangka ang 3 kahon ng biskuwit, 20 supot na kendi, 2 sakong detergent bar, 6 pirasong pala, 120 powdered milk.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya mula sa mga residente ng Bataan pulisya, kumalat ang mga imported na delata sa pamilihang bayan at pinalalagay na hindi lamang minsan nakapagnakaw ang mga suspek na kanilang ibinebenta.
Matatandaan lumubog ang Super Ferry 14 na may sakay na mga pasahero patungong Visaya at hinatak sa Sisiman Bay na sakop ng Mariveles. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended