Pari binaril ng cellphone snatchers
July 4, 2004 | 12:00am
Camp Crame Hindi man lamang iginalang ng dalawang notoryus na snatchers ang isang alagad ng simbahan matapos na barilin ang isang bagitong pari nang tumangging ibigay ang kanyang cellphone sa Cebu City nitong Biyernes ng umaga.
Ang biktimang kinilalang si Fr. Minar Balili, 27-anyos na naordinahan lamang sa pagka-pari nitong Hunyo 22 ay pinagbabaril may 10 kilometro ang layo sa tirahan ni Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.
Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng D. Jakosalem St., Cebu City at nagti-text nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo na pilit inaagaw ang Nokia 3650 ng pari.
Tumanggi ang pari na ibigay sa mga snatchers ang kanyang cellphone kung saan ay mabilis itong nagtatakbo subalit hinabol pa rin ng mga suspek.
Nadapa ang pari at ditoy binaril ito ng nairitang mga suspek saka inagaw ang kaniyang cellphone.
Ang biktima ay masuwerte namang tinamaan lang sa kanang palad nang magmintis ang pagbaril dito ng mga suspek at mabilis na isinugod sa Perpetual Succor Hospital ng lungsod para malapatan ng lunas. Tumakas naman ang mga suspek patungo sa direksiyon ng Rosario St. ng lungsod.
Kaugnay nito, nanawagan naman si Archbishop Cardinal Vidal sa pulisya na magsagawa ng pagpapatrulya dahil sa talamak na cellphone snatching at holdapan sa nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended