6 grabe sa pinaglaruang granada
July 3, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Anim na sibilyan ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang sumabog ang pinaglaruang granada ng senglot na lalaki sa loob ng restaurant sa Barangay Dungon, Jaro, iloilo City kamakalawa ng gabi. Kabilang sa tinamaan ng shrapnel sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang sina: Jonel Ordinal, Marlon Ordinal, Jeremias Villanueva, Leonardo Ordinal, Frederick Barcelona at Cristine Gallaza. Napag-alaman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, Nag-iinuman ng alak ang grupo ng kalalakihan sa loob ng Tamid Zone Restaurant & Bar nang paglaruan ng isang hindi kilalang lalaking senglot ang granada. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabitiwan nito ang granada na natangalan ng pin kaya sumabog at tinamaan ng shrapnel ang mga biktimang kumakain sa naturang restaurant. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended