Sa dalawang araw na pag-upo ni Garcia bilang gobernador ng Bataan, natuklasan ang P200-milyong nasabing proyekto ay hindi nakatala sa provincial book of accounts at inutang sa pondo ng PAG-IBIG.
Ang nasabing proyekto ay itinayo sa 29 ektarya mula sa kabuuang 79 ektarya na nasa Bataan Peninsula Heights, Samal, Bataan.
Sinabi pa ni Garcia, na ang namahala sa nasabing programa ay ang Bataan Development Corporation na pawang mga opisyal ng gobyerno ang tumatayong naging pangunahing sangkot.
Sa ginawang pagpupulong ng mga opisyal ng departamento ng lokal na pamahalaan, napag-alamang walang kaalam-alam ang mga ito tungkol sa malaking halaga na inutang ng lokal na pamahalaan sa Home Mortgage Development Mutual Fund.
Kaugnay nito, sa gagawing pagbubusisi ng COA, ipinahayag ni Garcia na wala sanang iregularidad sa mga nangyari at walang nawawalang pondo sa gobyerno.
Ang naturang programa ay naamyendahan ng Sangguniang Panlalawigan noong November 27, 2000 kung saan pinayagan na makipagtransak ng mga kontrata sa Home Mortgage Development Mutual Fund para sa itatayong low-cost housing project. (Ulat ni Jonie Capalaran)