^

Probinsiya

P200-M anomalya sumingaw

-
BATAAN – Hiniling kahapon ni Bataan Governor Enrique "Tet" Garcia Jr. sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng komprehensive audit sa mga transaksiyon ng provincial government office simula noong 2000 hanggang 2004 makaraang sumingaw at matuklasan ang P200- milyong anomalya sa proyektong housing loan ng dating administrasyon.

Sa dalawang araw na pag-upo ni Garcia bilang gobernador ng Bataan, natuklasan ang P200-milyong nasabing proyekto ay hindi nakatala sa provincial book of accounts at inutang sa pondo ng PAG-IBIG.

Ang nasabing proyekto ay itinayo sa 29 ektarya mula sa kabuuang 79 ektarya na nasa Bataan Peninsula Heights, Samal, Bataan.

Sinabi pa ni Garcia, na ang namahala sa nasabing programa ay ang Bataan Development Corporation na pawang mga opisyal ng gobyerno ang tumatayong naging pangunahing sangkot.

Sa ginawang pagpupulong ng mga opisyal ng departamento ng lokal na pamahalaan, napag-alamang walang kaalam-alam ang mga ito tungkol sa malaking halaga na inutang ng lokal na pamahalaan sa Home Mortgage Development Mutual Fund.

Kaugnay nito, sa gagawing pagbubusisi ng COA, ipinahayag ni Garcia na wala sanang iregularidad sa mga nangyari at walang nawawalang pondo sa gobyerno.

Ang naturang programa ay naamyendahan ng Sangguniang Panlalawigan noong November 27, 2000 kung saan pinayagan na makipagtransak ng mga kontrata sa Home Mortgage Development Mutual Fund para sa itatayong low-cost housing project. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BATAAN

BATAAN DEVELOPMENT CORPORATION

BATAAN GOVERNOR ENRIQUE

BATAAN PENINSULA HEIGHTS

GARCIA

GARCIA JR.

HINILING

HOME MORTGAGE DEVELOPMENT MUTUAL FUND

JONIE CAPALARAN

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with