^

Probinsiya

2 mayor sabay nanumpa at nag-opisina

-
SOLANO, Nueva Vizcaya – Nababahala ang mga residente sa bayang ito matapos na sabay manumpa sa tungkulin sa pagka-mayor sa magkahiwalay na lugar kamakalawa, June 30 ang dalawang personalidad na kapwa di kumandidato sa nasabing posisyon.

Nanumpa bilang alkalde sa bayang ito sa pamamagitan ni Executive Judge Jose Rosales ng Regional Trial Court-Branch 27, ang dating board member na si Santiago Dickson na unang naiproklamang panalo bilang vice mayor, alinsunod sa opinion ng DILG bilang kapalit ni dating Mayor Heraldo Dacayo na yumao noong Mayo 14.

Sa kabilang dako naman ay nanumpa sa tungkulin sa tanggapan naman ni Comelec Chairman Benjamin Abalos, si Atty. Philip Dacayo, alinsunod naman sa resolusyon na ipinalabas ng Comelec kung saan nakasaad na siya (Atty. Dacayo) ang tatayo bilang kapalit ng yumao niyang ama na isinumite naman ng partido Lakas-CMD noong araw ng eleksyon.

Kahapon (July 1) ay nalito ang mga residente kabilang na ang mga empleyado ng munisipyo nang sabay na pumasok sa Mayor’s Office ang dalawa at kapwa nagsasabing "sila ang napiling punong bayan, kapwa rin nagbigay ng kautusan na sila ang kikilalanin bilang mayor sa bisa ng kanilang pinanghahawakan na batayan."

Iginigiit ng abogado ni Dickson "na legal ang pagka-upo ng kanyang kliyente dahil may pinanghahawakan itong opinion mula sa pamunuan ng DILG," bukod dito ay xerox copy lang daw ang ipinakitang resolusyon mula sa Comelec Office.

Ayon naman kay Virgilio Castro, abogado ni Philip Dacayo na nagsumite ng nasabing subtitution papers noong May 10, "may karapatan na mamuno bilang alkalde ang batang si Dacayo dahil ang pinagbabasehan dito ay ang resolusyon na inilabas ng Comelec."

Samantala, nagtalaga naman ng 20 kagawad ng pulisya si Maj. James Affalla, chief of police ng Solano PNP, upang siguraduhin ang katahimikan at kaayusan ng bawa’t isa sa loob ng munisipyo.

Sa ngayon ay patuloy pa rin na pinagtatalunan ng mga residente rito kung sino ang kanilang alkalde kung si Santiago Dickson na naluklok dahil sa opinion ng DILG o si Atty. Philip Dacayo na nanumpa dahil sa en banc resolusyon ng Comelec. (Ulat ni Victor Martin)

vuukle comment

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMELEC OFFICE

DACAYO

EXECUTIVE JUDGE JOSE ROSALES

JAMES AFFALLA

MAYOR HERALDO DACAYO

NUEVA VIZCAYA

PHILIP DACAYO

SANTIAGO DICKSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with