Pipi hinalay ng adik
July 1, 2004 | 12:00am
LEGAZPI CITY Isang 35-anyos na babaeng pipi ang iniulat na hinalay ng adik sa droga makaraang pasukin ang bahay ng biktima sa Barangay F. Simeon Ragay, Camarines Sur kamakalawa. Ang biktimang itinago sa pangalang Linda ay nagpasama sa kanyang kapitbahay para ireklamo ang suspek na si Allan Sanchez, 32, ng nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, pinasok ng suspek ang bahay ng babae saka pinagnakawan ng hindi nabatid na halaga, subalit hindi pa nasiyahan sa ginawang pagnanakaw at hinalay pa ang biktima. Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek bago pormal na sasampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest