Opisyal ng DENR patay sa holdap
June 30, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Binaril sa ulo at napatay ang finance officer ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos na manlaban sa mga armadong holdaper na tumangay ng P3-milyong payroll sa Abra kamakalawa.
Idineklarang patay sa pagamutan ng kapitolyo ng Bangued ang biktimang si Rodel Filarca, 37, finance officer ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng DENR.
Batay sa ulat, ang insidente ay naganap kamakalawa matapos na papalitan ng biktima ng cash ang dala nitong tseke na P3000,000 sa bangko ng bayan ng Bangued nang sundan ng mga salarin.
Pinaniniwalaan na mang natiktikan ng mga holdaper na may dalang malaking halaga ang biktima na nakalaan bilang payroll ng mga empleyado ng CENRO.
Matapos pagbabarilin ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Kaugnay nito, nagpalabas naman ng P30,000 reward si Cordillera Police Director P/Chief Supt. Rowland Albano para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng mga holdaper. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest