^

Probinsiya

Chief security patay sa ambush

-
MARIVELES, Bataan – Tinambangan at napatay ang hepe ng security unit ng mental hospital ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima kasama ang asawa ay bumababa sa harap ng pinaglilingkurang establisamento sa Barangay Poblacion, Mariveles, Bataan kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Bonifacio Cacho, Bataan Provincial Intelligence and Investigation Branch, ang biktimang si Froilan Raymundo, 51, may-asawa, samantalang ang asawang si Emely, 49, administrative officer ng Mariveles Mental Hospital ay tinamaan ng ligaw na bala sa braso.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7;45 ng umaga nang magkasabay na pumasok ang mag-asawa sakay ng Tamaraw FX service ng nasabing ospital.

Habang bumababa ang mag-asawa sa tapat mismo ng nasabing ospital ay lumapit ang dalawang hindi kilalang lalake sa biktima at agad na pinaputukan ng apat na ulit na ikinasawi nito.

Sinilisip ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang naganap na pamamaslang. (Ulat ni Jonie Capalaran)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BATAAN PROVINCIAL INTELLIGENCE AND INVESTIGATION BRANCH

BONIFACIO CACHO

FROILAN RAYMUNDO

HABANG

JONIE CAPALARAN

KINILALA

MARIVELES

MARIVELES MENTAL HOSPITAL

SINILISIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with