2 Nene patay sa road mishap

LIGAO CITY – Dalawang batang babae ang iniulat na nasawi makaraang mahagip ng sasakyang minamaneho ng isang abogado habang ang mga biktima ay magkasabay na tumawid sa kahabaan ng lansangan na sakop ng Barangay Amtic, Ligao City kamakalawa.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga biktimang sina: Lea Bron at Ella Donquillo, kapwa pitong taong gulang at residente ng nabanggit na barangay. Sumuko naman ang suspek na si Atty. Oliver Olaybal, 57, ng Barangay Travesita, Guinobatan, Albay. Ayon sa pulisya, matapos na mahagip nang minamanehong Pajero (FNC111) ay agad naman isinugod ng nasabing abogado ang mga biktima sa ospital. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments