Engkuwentro: 3 NPA, 1 kawal dedo
June 27, 2004 | 12:00am
CAMP GUILLERMO NAKAR, Lucena City Tatlong rebeldeng New People Army (NPA) at isang kawal ng Phil. Army ang kumpirmadong napatay sa naganap na madugong engkuwentro sa liblib na bahagi ng Barangay Ilayang San Roque, Liliw, Laguna kahapon ng umaga.
Kinilala ang napatay na kawal na si Army Corporal Fernando Pantonial ng 1st Infantry Battalion na nakabase sa Laguna, samantalang dalawa sa tatlong rebelde ay sina: Arnel Robledo, dating barangay chairman ng Llabac, Siniloan, Laguna; at Arnel Sanchez, 22, ng Barangay San Miguel, San Pablo City, Laguna. Base sa ulat, sinusuyod ng militar ang liblib na bahagi ng nabanggit na barangay nang makasagupa ang mga rebelde. Tumagal naman ng 30-minuto ang engkuwentro bago nagpulasan ang grupo ng makakaliwa patungo sa bahagi ng Mt. Banahaw sa pagitan ng hangganan ng Majayjay at Liliw. (Ulat ni AO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest