^

Probinsiya

Army commander tinodas ng CAFGU sa detachement

-
KORONADAL CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang bagong puwestong kumander ng military detachment matapos na ratratin ng senglot na kasapi ng Citizen Armed Forces Georgraphical Unit (CAFGU) kamakalawa ng gabi sa Barangay Sta. Cruz, Tampakan, South Cotabato. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Sgt. Alipio Datoc, 40, ng Datoc compound, Digos City, bagong kumander ng 14th CAA-CAFGU sa ilalim ng 57th IB.

Tinutugis naman ang suspek na si Roberto Dolorosa Ayoyong ng Barangay Bato na tumakas matapos isagawa ang krimen dakong alas-7:25 ng gabi sa loob ng naturang detachment.

Base sa ulat na nakarating sa South Cotabato provincial police command, bago pa maganap ang insidente ay nakipagtalo ang suspek sa kanyang kasamahang CAFGU na hindi nabatid ang pangalan tungkol sa kanilang assignments.

Sinabi ni Senior Supt. Romeo Rufino, South Cotabato police chief, nakita ng biktima ang pagtatalo ng dalawa kaya namagitan kaya naman nairita ang senglot na suspek.

Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay umalingawngaw na ang sunud-sunod na putok ng M-14 rifle sa loob ng naturang detachment at duguang bumulagta ang biktima.

May teorya ang pulisya na personal na alitan ang namagitan sa dalawa. (Ulat ni RB)

ALIPIO DATOC

BARANGAY BATO

BARANGAY STA

CITIZEN ARMED FORCES GEORGRAPHICAL UNIT

CRUZ

DIGOS CITY

ROBERTO DOLOROSA AYOYONG

ROMEO RUFINO

SENIOR SUPT

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with