Holdap: P2-M nadale sa negosyanteng babae
June 26, 2004 | 12:00am
CAINTA, Rizal Aabot sa P2 milyon ang nasikwat mula sa negosyanteng babae ng limang armadong kalalakihang naka-motorsiklo noong Huwebes ng hapon sa Barangay San Juan, Cainta.
Ang biktimang si Nerissa Garcia, 26, ng No. 8 Swimming Street, Saint Francis Subdivision, kasama ang drayber nitong si Saludio Jaquilmac, 65, ay bumabagtas sa naturang lugar lulan ng Mitsubishi Estrada wagon (WTY 239) nang harangin ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng J. Tolentino Street dakong alas-12:30 ng tanghali.
Batay sa ulat ng pulisya, nag-withdraw ng malaking halaga ang biktima sa BPI Family Bank sa sangay nito sa Cainta para may pambayad sa seguro ng kanyang negosyo.
Pagsapit sa naturang lugar ay hinarang ang sasakyan ng biktima ng mga hindi kilalang kalalakihang armado ng machine gun, Uzi at kalibre.45 baril.
Agad na tinutukan ang drayber ng trader sabay na pinabuksan ang pintuan at kinuha ang back pack na naglalaman ng P20 milyon.
Ayon sa pulisya, kinuha rin ng mga holdaper ang shoulder bag ni Garcia na naglalaman ng P20,000, personal na gamit at mga importanteng dokumento.
Inilarawan na ni Garcia ang mga holdaper at inihahanda na ang cartographic sketches. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 11 hours ago
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Cristina Timbang | 11 hours ago
Recommended