113 sako ng imported na asukal nasabat
June 24, 2004 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Nasamsam sa panibagong operasyon ng mga ahente ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) ng Bureau of Customs (BoC) ang 113-sako ng imported Thailand white sugar na takda sanang ipuslit palabas ng Freeport kamakalawa ng hapon.
Sa isinumiteng ulat ni ESS-CPD Chief for Operators Capt. Marlon Alameda kay Customs Police District commander Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, dakong alas-3 ng hapon nang marekober ng pulisya ang mga smuggled imported sugar na nakatago sa loob ng isang dilapidated na 40-footer container van.
Nakaimbak ang saku-sakong asukal sa yarda ng Anglo Asia Trading sa Commitment Ave., Subic Bay Industrial Park, Subic Bay Freeport Zone kung saan pinatungan ng makapal na itim na kumot at samut saring mga bahagi ng sasakyan at sirang mga gulong.
Nabatid na ang narekober na asukal ay bahagi ng 2,860-sako ng imported Thailand white sugar na illegal na inilabas sa yarda ng GCC logistics company kung saan inilipat ang mga ito sa yarda na pag-aari ng kumpanyang Derubaru.
Sinabi ni Alameda, na may kabuuang 916-sako ng naturang asukal ang narekober simula nang ginawang illegal withdrawal ng kargamento at sinasabing iniunti-unting ipinupuslit ang asukal palabas ng Freeport.
Napag-alaman na dumating ang nasabing mga kargamento sa Freeport noong nakalipas na May 17, 2003 mula sa Thailand. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest