3 senglot na kabataan nalunod
June 23, 2004 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Tatlong senglot na kabataang kalalakihan ang kumpirmadong nasawi makaraang mahulog sa balon na magkakasunod habang naglalakad sa Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina: Bryan Barrios, 24; Arnold Umerez, 22; at Nepthalie Pesante, 22, pawang mga binata at residente ng Barangay Dalmac, Paracale, Camarines Norte. Napag-alaman sa ulat ng pulisya, unang mahulog sa malalim na balon si Bryan at sumunod ang dalawang kasama. May teorya ang pulisya na walang anumang takip ang balong pag-aari ni Angel Corbito at dahil sa senglot ang mga biktima ay hindi napansin ang sasapiting trahedya. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended