Kinilala ni Senior Supt. Sahiron D. Salim, Bataan police director, ang dalawang namatay na sina: Albert Tolentino, 32, may asawa, ng Barangay Tucop, Dinalupihan, Bataan; at Rodel Nacional, 18, binata, ng Barangay St. Francis II, Limay, Bataan.
Sina Tolentino at Nacional ay idineklarang patay sa Dinalupihan District Hospital at Bataan General Hospital, ayon sa pulisya.
Kabilang naman sa malubhang nasugatan ay nakilalang sina: Rolly Sebastian, Alex Mallari, Carlos Beltran, Joel Cruz, at Andrew Nacional.
Lumilitaw sa pagsisiyasat, ang unang sakuna ay naganap sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Sta. Isabel, Dinalupihan.
Bumangga ang minamanehong Nissan Safari (XNA 642) ni Engineer Dustin Espiritu sa kasalubong na tatlong motorsiklo habang patungo sa Manila mula sa Olongapo City.
Kasunod nito, nahagip naman ang motorsiklo ni Nacional ng pampasaherong dyip na minamaneho ni Joel Cruz sa national road na sakop ng Barangay St. Francis II, Limay, habang patungo sa bayan ng Orion, Bataan.
Sasampahan ng kaukulang kaso si Espiritu sa Bataan Municipal Trial Court. (Ulat ni Jonie Capalaran)