Judge binoga ng kabaro
June 23, 2004 | 12:00am
DAGUPAN CITY May posibilidad na away pampamilya kaya binaril ng tatlong ulit ang isang hukom ng retiradong hukom habang ang biktima ay nagmamaneho ng kotse sa kahabaan ng highway na sakop ng Tapuac District sa lungsod na ito kahapon ng umaga.
Dalawang bala ng baril sa kaliwang kamay at isa sa likuran ang tumama sa biktimang si Judge Florante Gabat, 48, ng Municipal Trial Court Branch 3 at residente ng Barangay Macabito, Calasiao, Pangasinan.
Agad naman naisugod sa Luzon Medical Center si Judge Gabat para sumailalim sa operasyon.
Hindi naman pumalag sa pulisya ang suspek na si retired Judge Salvador Vedaña makaraang mamataan ng mga awtoridad ang minamanehong sasakyan malapit sa bayan ng Calasiao.
Napag-alamang si Vedaña ay kumandidatong provincial board member ng Pangasinan 2nd district noong May 10 polls, subalit natalo.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, lumilitaw na minamaneho ni Vedaña ang kulay abuhing Revo nang lampasan nito ang kotseng minamaneho naman ni Judge Gabat hanggang sa mauwi sa balitaktakan.
Nabatid na sakay ni Judge Gabat ang kapatid na babae ng suspek na si Milagros Vedaña-Cuison.
Ayon pa sa ulat, habang minamaneho ng suspek ang sariling sasakyan ay binuksan nito ang bintana at nakipagtalo kay Judge Gabat hanggang sa umalingawngaw ang tatlong putok ng baril mula kay Vedaña.
Base sa inisyal na imbestigasyon, may teorya si P/Supt. Noli Taliño, police chief, na ang motibo ng krimen ay problemang pampamilya o hindi pagkakaunawaan.
Kasong frustrated murder ang isasampang kaso laban kay Vedaña. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended