^

Probinsiya

Ex-police chief itinumba

-
IBA, Zambales – Isang retiradong opisyal ng pulisya na kasalukuyang aktibo bilang government operative sa ilalim ng Presidential Anti-Organize Crime Commission ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong hindi pa nakikilalang sibilyan sa loob mismo ng bahay nito sa Barangay Bangantalinga, Iba, Zambales kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Zambales Provincial Police Office (ZPPO) director Sr. Supt. Wilson Victorio, kinilala ang napaslang na biktima na si retired Chief Inspector Roger Asuncion, 42, residente ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi noong Linggo habang nagpapahinga si Asuncion sa loob ng bahay kasama ang kanyang asawa nang pasukin ng tatlong hindi kilalang armadong sibilyan at walang habas na pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa deskripsyon ng ilang testigo, isang babae at dalawang lalaki sakay ng motorsiklo ang mga killer.

Si Asuncion ay dating chief of police ng San Antonio-PNP sa Zambales, bago ito nagretiro noong nakaraang taon at nanguna sa pagsalakay sa safehouse ng isang malaking grupo nang gun-running syndicate sa Subic, Zambales kung saan dito nasamsam ang samu’t saring malalakas na uri ng armas. (Ulat ni Jeff Tombado)

BARANGAY BANGANTALINGA

CHIEF INSPECTOR ROGER ASUNCION

JEFF TOMBADO

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZE CRIME COMMISSION

SAN ANTONIO

SI ASUNCION

SR. SUPT

WILSON VICTORIO

ZAMBALES

ZAMBALES PROVINCIAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with