^

Probinsiya

Ex-Army, lider ng mga holdaper

-
TARLAC CITY – Pinaniniwalaang ex- Army Scout Ranger na dinismis sa military service ang positibong lider ng robbery holdup gang na nambibiktima ng mga negosyante sa ibat’ ibang lalawigan sa nakalipas na tatlong buwan.

Kinilala ni Supt. Tito Bayangos, police chief ng Tarlac City, na si Romeo Mapatac, 30 ay tumatayong lider ng bagong tatag na sindikato ng mga kriminal na may modus-operandi rin sa Metro Manila.

Ayon kay Bayangos, si Mapatac ay residente ng Barangay San Miguel, subalit tubong Nueva Ecija. Na-dismis sa serbisyo matapos na masangkot sa ilang modus-operandi partikular na ang gun-running sa Mindanao.

May nakabinbing warrant of arrest na ipinalabas na si Judge Bitty Viliran ng Regional Trial Court Branch 65 laban kay Mapatac sa kasong highway robbery, murder, karnaping at illegal possession of firearms.

Simula noong Abril 2004 ay kabilang sa mga negosyanteng nabiktima ng grupo ni Mapatac ay sina: Pinky Palo, Gina Sabado, Ramon Maducduc, Carolyn Villaflor at Nick Uy.

Lahat ng biktima ay positibong itinuturo si Mapatac matapos na iharap ng pulisya ang larawan nito, ayon pa sa ulat.

May teorya naman ang mga awtoridad na ang kasalukuyang kasapi ni Mapatac ay mula sa nabuwag na kilalang grupo ng sindikatong "Adalem Gang" na sangkot sa ilang kidnap-for-ransom, pagtutulak ng droga, highway robberies at illegal gambling sa Central Luzon noong 1980s hanggang 1990s.

Nanawagan naman si Bayangos sa mamamayan ng Tarlac na makipag-ugnayan sa mga awtoridad sakaling may impormasyon makalap laban sa grupo ni Mapatac. (Ulat ni Benjie Villa)

ADALEM GANG

ARMY SCOUT RANGER

BARANGAY SAN MIGUEL

BAYANGOS

BENJIE VILLA

CAROLYN VILLAFLOR

CENTRAL LUZON

GINA SABADO

JUDGE BITTY VILIRAN

MAPATAC

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with