Asset ng militar itinumba ng NPA rebels
June 20, 2004 | 12:00am
Daraga, Albay Dalawang itinuturong asset ng militar ang nasawi matapos na ratratin ng mga hinihinalang miyembro ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang nagkakasayahan sa kaarawan ng anak ng isa sa mga biktima sa Purok 6, Brgy. Anislang ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Gregorio Musa Jr., 37, may asawa at Fernando Asaytuno, 34, may asawa at pawang residente ng naturang barangay. Nabatid na kasalukuyang nagkakasayahan sa likuran ng bahay ni Musa ang dalawa nang biglang dumating ang limang rebelde na armado ng M16 armalite rifle at cal. 45 pistol na walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito. Naglunsad na ng hot pursuit operations ang pinagsanib na elemento ng pulisya at militar laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa pamamaslang sa mga biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended