^

Probinsiya

Silid ng 3 opisyal ng PMA ninakawan

-
Camp Aguinaldo – Tatlong opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) ang nabiktima ng mga hinihinalang Akyat Bahay Gang matapos na puwersahang pasukin ang kanilang quarters at tangayin ang kanilang mga armas sa loob mismo ng premyadong institusyon sa Baguio City, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Cordillera Regional Police Office, pinakahuling naging biktima ng mga suspek ay si PMA spokesman Major Edgar Arevalo na nakunan ng kanyang Colt caliber .45 pistol.

Kabilang pa sa mga nanakawan ay isang Colonel at isang kapitan. Pinaniniwalaan namang ang insidente ay sadyang itinago dahilan sa malaking kahihiyang idudulot nito sa pangunahing institusyon ng militar ng bansa kaya’t maging ang Baguio City Police ay tumanggi ng magbigay pa ng karagdagang detalye sa kaso.

Nabatid pa na nabisto lamang ang nakawan ng armas sa PMA matapos na madakip ng Cordillera Police ang dalawang suspek na hinihinalang mga miyembro ng Akyat Bahay na kapwa residente ng Scholastica Village , Baguio City sa isang checkpoint sa Brgy. Suyok, Bangkal, Benguet. Nang siyasatin ay inamin ng dalawa na ninakaw lamang nila ang armas sa quarter ni Arevalo.

Bunga ng insidente ay ipinag-utos na ni PMA Supt. Major Gen. Edilberto Adan ang paghihigpit ng seguridad sa loob ng PMA. (Ulat ni Joy Cantos)

AKYAT BAHAY

AKYAT BAHAY GANG

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY POLICE

CAMP AGUINALDO

CORDILLERA POLICE

CORDILLERA REGIONAL POLICE OFFICE

EDILBERTO ADAN

JOY CANTOS

MAJOR EDGAR AREVALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->