2 habambuhay hatol sa namugot ng ulo
June 20, 2004 | 12:00am
Malolos City, Bulacan Dalawang habambuhay na pagkabilanggo ang iginawad na hatol ng korte sa isang barangay tanod na napatunayang guilty sa pamumugot ng ulo ng dalawang magkapatid na lalaki may tatlong taon na ang nakalilipas.
Sa 8-pahinang desisyon na ipinalabas ni Judge Crisanto Concepcion ng Regional Trial Court (RTC) Branch 12 ng lungsod, ang akusadong si Wilfredo Linsangan, 48, may-asawa ng Sapang-alat, Marcela 5, Brgy. San Manuel, San Jose del Monte, Bulacan ay walang pag-aalinlangang nagkasala sa pagpugot ng ulo ng magkapatid na biktima.
Ang mga pinugutan ng ulo ay nakilalang sina Arturo, 30, at Noe Sula, 34; na naganap noong Abril 12, 2001 habang nag-iinuman ang biktima at mga suspek matapos na mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang pagpupulong dahil sa mga nawawalang kagamitan sa isang construction site na pinagtatrabahuhan ng magkapatid.
Hindi kinatigan ng hukuman ang alibi ng suspek na ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili bunga na rin ng matitibay na ebidensiyang iniharap ng panig ng mga biktima.
Maliban sa parusang 2 habambuhay ay pinagbabayad rin ng korte ang akusado ng halagang P125,000 bawat isa sa pamilya ng dalawang nasawi samantalang ang isa pang suspek na bayaw ng akusado na nakilalang si Ricky Tonil na kasabwat nito sa krimen ay patuloy na nakalalaya at pinaghahanap ng mga awtoridad.(Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
10 hours ago
Recommended