Kuya dinedo dahil sa mana
June 19, 2004 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Tinambangan at napatay ang isang 58-anyos na mangingisda ng sariling utol habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa Barangay Paguiraran, Balud, Masbate kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa Balud Munisipal Hospital ang biktimang si Wilfredo Alvarez, biyudo; samantalang ang suspek na kasalukuyang tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Arnulfo Alvarez, 51, ng Barangay Jangan, Balud, Masbate.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, bago naganap ang krimen ay namataan ang mag-utol na nagtatalo sa minanang ari-arian mula sa kanilang yumaong magulang. Dahil sa mas malaki ang minana ng biktima ay nairita naman ang suspek kaya pinatahimik nito ang sariling utol. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended