Mag-utol dedo sa maninikwat

CAMP VICENTE LIM, Laguna – May posibilidad na pinatay sa sakal at palo ng matigas na kahoy ang magkapatid na menor-de-edad ng hindi kilalang kalalakihan na nanloob sa kanilang bahay sa Barangay Suha, Torrijos, Marinduque kamakalawa ng madaling-araw. May palatandaang nanlaban ang mag-utol na sina: Abegail, 17, estudyante ng Matuya-Tuya High School at Alex Prieto, 12, grade 5 pupil ng Matuya-Tuya Elementary School, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Bandang alas-3 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng mag-utol sa loob ng kanilang kuwarto at pinaniniwalaang natiyempuhan na walang kasama ang dalawa sa kanilang bahay nang pasukin ng mga maninikwat. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments