Pagpaslang sa brodkaster kinondena

KORONADAL CITY – Kinondena ng mga mamamahayag sa South Cotabato at Sultan Kudarat ang pagkakapatay sa isang beteranong radio broadcaster noong Miyerkules ng hapon, Hunyo 16, 2004 sa kahabaan ng Upper Labay sa General Santos City.

Ang biktimang si Ely Binoya, 54, ay tinambangan at napatay ng dalawang nakamotorsiklo dakong alas-2:15 ng hapon.

Si Binoya ay manager at commentator ng community radio station Radyo Natin sa bayan ng Malongon.

Bago mapaslang si Binoya, sinabi ni police chief Willie Dangane ng General Santos City ay ginulpi ng tatlong kalalakihan kabilang na ang malapit na kaanak ni Malongon Mayor Teoderico Padernilla kaya naman naospital ang biktima.

Nagsampa ng kaukulang kaso si Binoya sa provincial prosecutor’s office laban sa tatlo, subalit naganap naman ang pamamaslang. (Ulat ni Ramil Bajo)

Show comments