Ayon kay SFO3 Rene Serbillejo ng Cainta Fire Dept., naganap ang insidente dakong alas-10:55 ng gabi sa Blk. 24 Lower East Bank, Kabisig Floodway ng bayang ito.
Sa imbestigasyon, walang kuryente sa naturang lugar kaya gumamit ng gasera ang ilang kalalakihan na nag-iinuman.
Dahil sa sobrang kalasingan ay natabig umano ng isa sa mga ito ang gasera sanhi upang agad na magliyab ang bahay na gawa sa kahoy.
Mabilis namang kumalat ang apoy sa ibang bahay na karamihan ay gawa lang sa kahoy.
Agad namang rumesponde ang pamatay sunog subalit nahirapan ang mga itong makapasok sa lugar ng insidente dahil sa kakiputan ng mga kalsada.
Naapula ang apoy pasado alas-12 na ng madaling-araw, wala namang nasugatan o nasawi sa nasabing sunog. (Ulat ni Edwin Balasa)