^

Probinsiya

70 kabahayan nilamon ng apoy

-
CAINTA, Rizal – Tinatayang aabot sa pitumpung kabahayan ang naabo makaraang masunog ang isang squatters area dahil sa tumaob na gasera ng mga kalalakihang nag-iinuman sa nasabing bayan kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SFO3 Rene Serbillejo ng Cainta Fire Dept., naganap ang insidente dakong alas-10:55 ng gabi sa Blk. 24 Lower East Bank, Kabisig Floodway ng bayang ito.

Sa imbestigasyon, walang kuryente sa naturang lugar kaya gumamit ng gasera ang ilang kalalakihan na nag-iinuman.

Dahil sa sobrang kalasingan ay natabig umano ng isa sa mga ito ang gasera sanhi upang agad na magliyab ang bahay na gawa sa kahoy.

Mabilis namang kumalat ang apoy sa ibang bahay na karamihan ay gawa lang sa kahoy.

Agad namang rumesponde ang pamatay sunog subalit nahirapan ang mga itong makapasok sa lugar ng insidente dahil sa kakiputan ng mga kalsada.

Naapula ang apoy pasado alas-12 na ng madaling-araw, wala namang nasugatan o nasawi sa nasabing sunog. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

CAINTA FIRE DEPT

DAHIL

EDWIN BALASA

KABISIG FLOODWAY

LOWER EAST BANK

MABILIS

NAAPULA

RENE SERBILLEJO

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with