Ina hinalay ng adik na anak

BULACAN – Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 44-anyos na ina upang ireklamo ang sariling anak na adik na humalay sa kanya sa Daang-Bakal, Barangay Cofradia, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng madaling-araw. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Gilbert Thompson, 21, samantalang ang biktima na itinago sa pangalang Sara ay biyuda at isang vendor sa nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, ang suspek ay lulong sa droga kaya naisagawa ang krimen sa sariling bahay habang natutulog mag-isa ang biktima. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments