2-katao todas sa sakuna

CAVITE – Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa Imus at Mendez, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang si Michelle Melliang, 29, ng Bayanihan Homes, Barangay Anabu 2 at Dennis Arsobal ng Barangy Kapaaba, General Aguinaldo, Cavite. Ayon sa pulisya, si Melliang ay biktima ng hit-and-run habang naglalakad sa kahabaan ng Aguinaldo Highway na sakop ng Imus, Cavite. Ang biktimang si Arsobal naman ay namatay makaraang mahulog ang minamanehong motorsiklo sa kanal na sakop ng Barangay Poblacion 4, Mendez, Cavite na ikinasugat naman ng malubha ni Erwin Andallon, kaangkas sa motorsiklo ni Arsobal. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments