Indian trader hinoldap,pinatay
June 17, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Masaklap ang sinapit ng isang 50-anyos na negosyanteng Indian national, matapos itong holdapin ay sinaksak pa hanggang sa mapatay nang manlaban ang biktima sa dalawang holdaper sa Sta. Cruz, Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang biktima na si Rab Lubhaya, residente ng Executive Homes, Continental House sa Matina, Davao City.
Agad namang nasakote ng mga elemento ng Armys 6th Infantry Division (ID) sa follow-up-operations matapos na itip ng driver ng motorsiklo na si Timothy Butuyan na nakakita sa pangyayari, ang mga suspek na sina Abraham Diga at Irish Capulo; pawang residente ng lungsod.
Sa ulat, ala-1:30 ng hapon nang marekober ng 25th Infantry Battalion sa pamumuno ni 1st Lt. Ronnie Fuentes ang bangkay ng biktima ilang minuto matapos itong paslangin ng mga suspek.
Nabatid na ang panghoholdap ay naganap matapos maningil ng biktima ng kanyang mga pahulugan sa kahabaan ng Crossing Kalawagan, Brgy. Darong, Sta. Cruz, Davao del Sur dakong ala-1:30 ng hapon.
Nang tumanggi at manlaban ang biktima ay ginulpe ito ng mga suspek na di pa nakuntento ay inundayan ito ng sunud-sunod na saksak na di pa nakuntento ay tinangay pa sa pagtakas ang motorsiklo ng Bombay.
Agad namang nagresponde ang mga sundalo at nasakote ang dalawang suspek kung saan ay nabawi sa mga ito ang P4,000.00 cash na hinoldap sa biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended