Kampanya laban sa magnanakaw ng hayop pinaigting
June 16, 2004 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan Ipinag-utos kahapon ng Bataan provincial director sa nasasakupang kapulisan ang malakawang pagtugis sa sindikato ng cattle rustlers makaraang magreklamo ang mga magsasaka tungkol sa pagkawala ng 20 baka sa loob lamang ng dalawang linggo sa limang bayan ng naturang lalawigan.
Ang direktiba ni Police Senior Supt. Saheron Salim, Bataan police provincial director ay ipinakalat sa lahat ng hepe ng pulisya sa 11 bayan, 1 component city at 2 mobile force directors.
Kabilang sa bayan na kalimitang sinasalakay ng sindikato ay ang bayan ng Hermosa, Orani, Samal, Balanga at Pilar.
Napag-alaman, na nagsumbong ang mga magsasaka at mamamayan kay Salim tungkol sa pagkawala ng kanilang alagang hayop at madidiskubre na lamang na kinatay na sa madamong bahagi ng mga nasabing bayan.
Nabatid sa ulat ng pulisya, na noong Sabado ng madaling-araw ay tinangay ng sindikato ang limang baka na pag-aari ni Pediong Buenaventura ng Barangay Ala-Uli Pilar at kinatay na lamang sa gilid ng kalsada at saka tinangay ng mga ito ang pigi at malamang bahagi ng alagang hayop.
Ayon kay Buenaventura, tinawaran na umano ng buyer ang kanyang mga alagang baka sa halagang P20, 000 bawat isa, subalit hindi nito ipinagbili dahil naghihintay pa siya ng panahon para maibenta nang mas malaki pa.
Laking gulat na lang ni Pediong nang makita ang ulo, bituka at buto na lang ng alagang baka at sungay ang kanyang natagpuan sa lugar nang pinagtalian. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended