^

Probinsiya

11 kidnaper nasakote

-
CAMP AGUINALDO – Labing-isang sibilyan na pinaniniwalaang kasapi ng Waray-Waray kidnap-for-ransom gang ang dinakip ng mga tauhan ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF), habang dalawa naman na biktima ay nailigtas sa isinagawang serye ng operasyon sa Barangay Bigaa, Cabuyao, Laguna kahapon ng madaling-araw.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Aguinaldo, kinilala ni NAKTAF Chief Angelo Reyes, ang mga nasagip na biktimang sina Josephine Chua, 43, utol ng may-ari ng steel company sa Las Piñas City at Ivy Balibag, 30, empleyada ng nasabing kompanya.

Kasalukuyan namang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Renato Batis, 22, ng Bulabi St., Pasig City; Renato Igloria, Maximo Alticen, alyas Timong; Sandy Germinal, drayber ng van na si Reynaldo Badilla, 33, ng #398 Gumamela St., Batasan Hills, Quezon City; Rudy Catangcatang.

Samantalang sina: Jason Garcia, Joel Hondrape, 19; Christopher dela Peña, 29; Jimmy Lozada, at JV Garcia na pawang nasakote sa isinagawang follow-up operations.

Ayon pa kay Reyes, ang mga biktima ay nailigtas matapos na matunton ng mga awtoridad ang pinagkukutaan ng mga kidnaper sa Burgos St., Purok Singko, ng nabanggit na barangay bandang alas-3:30 ng madaling-araw kahapon.

Lumilitaw sa ulat, ang dalawang biktima ay patungo sa bodega ng nasabing kompanya nitong Lunes ng gabi sa Pamplona, Las Piñas City nang harangin at dukutin ng mga armadong kalalakihang lulan ng kulay puting Mitsubishi L300 van na may plakang CML-245.

Ilang oras matapos na dukutin ang mga biktima ay nakatanggap nang tawag sa telepono ang pamilya ni Chua mula sa mga kidnaper na humihingi ng P3-milyong ransom

Lingid naman sa kaalaman ng mga kidnaper ay nakita ng hindi kilalang metro aide ang naganap na pagdukot sa mga biktima kaya agad na naipagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ng Las Piñas City.

Agad naman natukoy ng mga awtoridad ang may-ari ng L300 van hanggang sa matukoy ang pinagkukutaan ng mga suspek. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY BIGAA

BATASAN HILLS

BULABI ST.

BURGOS ST.

CAMP AGUINALDO

CHIEF ANGELO REYES

ED AMOROSO

GUMAMELA ST.

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with