Base sa mga imbestigador ng pulisya, bandang alas-3:30 ng madaling-araw nang pasabugin ang bakuran ni Hadji Osmeña Montañer, budget officer ng DAs Central Mindanao regional office at residente sa Rosales Street ng nasabing lungsod.
Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan, maliban sa dalawang sasakyan nakaparada sa loob ng compound ang nawasak dahil sa tama ng shrapnel ng granada, maging ang harapang pintuan ng bahay ay nawasak.
Sinisilip naman ng pulisya kung may kinalaman sa naganap na insidente sa trabaho ni Montañer bilang regional officer ng Department of Agriculture (DA) o kaya awayan ng pamilya laban sa maimpluwensyang angkan sa kanyang bayan sa Malabang, Lanao del Sur.
Kasunod nito, may naghagis naman ng granada sa bubong ng isa sa bahay ng residente na pinaniniwalaang pugad ng drug peddlers. Lumikha rin ng matinding tensyon ang pagsabog sa pag-aakalang inatake na sila ng mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)