Sundalo patay sa pagsabog,2 pa sugatan
June 13, 2004 | 12:00am
Camp Aguinaldo Walong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasawi habang isa namang kasapi ng Civilian Volunteers Organization (CVO) ang nasugatan matapos na sumalakay ang tinatayang may 100 rebelde at manunog ng 19 na mga kabahayan na humantong sa madugong sagupaan sa isang barangay sa Talitay, Maguindanao kamakalawa.
Sa isang phone interview, sinabi ni Col. Jerry Jalandoni, Deputy Commander ng Armys 604th Brigade na ang insidente ay naganap dakong alas 9 ng umaga sa Brgy. Nunangan sa Bayan ng Talitay ng nasabing lalawigan.
Kinilala ni Jalandoni ang nasugatang CVO na si Patrick Buhat na mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Ayon kay Jalandoni ang mga rebeldeng MILF ay pinamumunuan nina Commander Mardikay Kamit at Talio ng 109th Bangsa Islamic Armed Forces (BIAF); pawang sangkot sa illegal na aktibidad tulad ng robbery/extortion, pagpatay at iba pa.
Nabatid na bigla na lamang lumusob sa lugar ang mga rebeldeng MILF na hinarass ang isang CVO detachment na nauwi sa mainitang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal hanggang ala-1 ng hapon.
Ang nasabing insidente ay nagbunsod rin sa paglikas ng mga residenteng naninirahan sa nasabing lugar matapos na manunog ng may 19 na kabahayan ang mga rebeldeng MILF.
Sa kasalukuyan, ayon pa kay Jalandoni, ay normal na ang sitwasyon sa lugar matapos maitaboy ng mga nagresponde niyang tauhan ang grupo ng umatakeng mga rebeldeng MILF. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest