2-katao sinunog ng buhay

ANTIPOLO CITY – Dalawang sibilyan na hinihinalang sinunog ng buhay ang natagpuan sa bakanteng lote na sakop ng Sitio Pinagminahan, Barangay San Luis ng lungsod na ito kahapon ng umaga. Base sa ulat, walang pagkikilanlan sa nadiskubreng dalawang sinunog na bangkay na kapwa may nakapalupot na alambre sa leeg.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, ang dalawang bangkay ay natagpuan ni Romel Matienzo, caretaker ng nasabing lugar, matapos na mamataan niya na may umuusok sa magkakapatong na gulong ng sasakyan. May teorya ang pulisya na sinunog ng buhay ang dalawa dahil walang anumang tama ng saksak ng patalim at tama ng bala ng baril sa katawan. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments