Squatters at pulis nagbarilan: 1 patay, 4 sugatan
June 12, 2004 | 12:00am
TAYTAY, Rizal Isa ang kumpirmadong patay, samantalang apat-katao naman ang sugatan kabilang ang isang pulis at babaeng sibilyan makaraang makipagbarilan ang mga kagawad ng pulisya at aabot sa tatlumpung armadong lalaki na gustong maghari sa squatters area sa Brgy. Sta. Ana ng bayang ito kahapon.
Hindi pa batid kung sibilyan o kasapi ng mga armadong lalaki ang namatay, samantala nasugatan naman ang nagngangalang PO1 Mariano na miyembro ng Taytay pulis at tatlong hindi pa kilalang sibilyan na agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Sa ulat, dakong alas-11 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Taytay police hinggil umano sa awayan ng dalawang grupong Muslim sa Sitio Lupang Arienda Brgy. Sta. Ana ng bayang ito ng mga armadong grupo ng Muslim.
Agad namang rumesponde ang kagawad ng Taytay police, subalit sinalubong sila ng putok.
Napilitang humingi ng tulong ang unang grupo ng pulis at kaagad nagdatingan ang animnapung pulis at Phil. Army mula sa Special Action Force at Rizal Provincial Mobile Group sa pangunguna ni Sr/Supt. Leocadio Santiago, Rizal provincial director.
Inilikas naman ang libu-libong residenteng naninirahan sa lugar.
Hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ng operation ang pulisya para sa ikakaaresto ng mga suspek, sa kasalukuyan ay nakarekober na ng apat na matataas na kalibre ng baril mula sa mga armadong Muslim. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended