Kaya naman nabibilang na ang araw ng mga operator ng jueteng kapag nakapuwesto na ang naiproklamang gobernador na si Padaca.
"Ang aking stand, kung ilegal ay hindi dapat. Gusto nating maayos ang lahat, kung ano ang nakalagay sa batas yun ang dapat sundin," ani Padaca na kumandidato sa ilalim ng partido Isabela United Opposition.
Si Padaca na dating broadcast journalist ay nakalamang ng 40,000 boto sa 24 bayan sa Isabela laban kay re-electionist Faustino Dy Jr., anak ni dating Isabela governor Faustino Dy na pinakamatagal na naging lokal na opisyal ng naturang lalawigan.
Subalit, duda naman si Raymund Antipuesto, self-confessed cabo, na madudurog ni Padaca ang jueteng dahil may kumakalat na balitang ang utol ng gobernador ng kalapit na lalawigan ay papasok sa Isabela bilang pinakamalaking operator ng jueteng.
Hindi naman nagbigay ng komento ang kampo ni Padaca sa kumakalat na balita. (Ulat ni Lito Salatan)