^

Probinsiya

2 dentista nilikida

-
LA TRINIDAD, Benguet – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang babaeng dentista ng hindi kilalang lalaki habang ang mga biktima ay nanonood ng telebisyon sa loob ng apartment sa Barangay Betag, La Trinidad, Benguet noong Lunes ng gabi, Hunyo 7, 2004, ayon sa ulat kahapon.

Pitong bala ng baril ang tumama sa katawan ng mga biktimang sina: Luzviminda Igualdo, 39, ng Central Buguias, Benguet at Alice Alwas, 37, ng New Lucban, Baguio City.

Napag-alaman sa ulat na isinumite kay P/Supt. Gideon Todiano, police chief ng La Trinidad, na si Igualdo ay kapatid ni Insp. Marlo Igualdo na nakatalaga sa La Trinidad police station bago nailipat sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon sa ulat, si Alwas ay bumisita sa tinitirhang apartment ni Igualdo at hindi inakalang huling sasalubungin na niya si Kamatayan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, winasak ang likurang pintuan ng apartment saka pinasok ng hindi kilalang lalaki na armado ng kalibre. 45 baril.

Nang makita ang dalawang biktima na masayang nanonood ng telebisyon ay walang-awang pinaputukan ng sunud-sunod hanggang sa mapaslang.

Makikilala naman ang killer kapag muling makita ng nag-iisang saksi sa insidente habang isinasaisantabi ang anggulong robbery dahil walang anumang gamit ng mga biktima ang ginalaw ng salarin. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

vuukle comment

ALICE ALWAS

ARTEMIO A

BAGUIO CITY

BARANGAY BETAG

BENGUET

CAMP CRAME

CENTRAL BUGUIAS

GIDEON TODIANO

IGUALDO

LA TRINIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with