^

Probinsiya

LTO official todas sa ambus

-
BATANGAS CITY – Mukhang naging inutil at hindi mapigilan ng kapulisan ang sunud-sunod na karahasan nagaganap sa buong kapuluan matapos na isa na namang pananambang ang naganap sa mismong harapan ng Land Transportation Office (LTO) sa Batangas City na ikinasawi ng hepe ng Flying Squad kahapon ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Regional Provincial Hospital ang biktimang si Honorio "Henry" Adelantar, 64, LTO Flying Squad chief sa Batangas Region 4 Office at residente ang Barangay Dalipid East, Alitagtag, Batangas.

Sa paunang imbestigasyon, bandang alas-7:30 ng umaga nang lapitan ng apat na armadong lalaki ang biktima habang papasok ng opisina ng LTO Law Enforcer Division Office sa nasabing lungsod.

"Basta nung makitang dumating na si Adelantar at papasok na doon sa compound ng LTO ay agad na nilapitan ng mga killer at walang sabi-sabing inupakan ng sunud-sunod na putok ng baril," anang testigo.

Base sa ulat, si Adelantar ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa sikmura at isa sa dibdib na ikinasawi nito habang nilalapatan ng lunas sa nabanggit na ospital dakong alas-9:46 ng umaga.

Napag-alamang si Adelantar ay malapit ng magretiro sa kanyang serbisyo kaya ilang anggulo ang sinisilip ng mga awtoridad hinggil sa motibo ng krimen. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Joy Cantos)

ADELANTAR

ALITAGTAG

ARNELL OZAETA

BARANGAY DALIPID EAST

BATANGAS CITY

BATANGAS REGION

FLYING SQUAD

JOY CANTOS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAW ENFORCER DIVISION OFFICE

REGIONAL PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with