Mister tinodas sa inuman

CAVITE – Binaril at namatay ang isang 34-anyos na mister ng opisyal ng bumbero habang nakikipag-inuman ng alak ang biktima sa Barangay Maduya, Carmona, Cavite kamakalawa ng gabi. Tinamaan sa dibdib ng bala ng baril ang biktimang si Montano Realon ng 143 San Pablo St., Carmona, Cavite. Naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si SFO1 Henry Nolasco, 43, may asawa at miyembro ng General Mariano Alvarez Fire Station. Napag-alaman sa pagsisiyat ng pulisya, na nagkapikunan sa pinag-uusapang isyu hanggang sa magtalo at nauwi sa pamamaslang. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments