^

Probinsiya

Magsasaka dinukot,pinatay ng NPA

-
Camp Simeon Ola – Isang 30-anyos na magsasaka ang iniulat na dinukot at brutal na pinaslang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang natagpuang naagnas ang bangkay sa Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Diosdado Portilo, may- asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Kawayanan ng naturang bayan.

Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay dinukot ng mga rebelde noong nakalipas na Marso 30 na nakacamouflage uniform matapos na puwersahang pasukin ang tahanan nito.

Nabatid na ang naagnas na bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas 5 ng hapon sa Sitio Tipon-Tipon, Brgy. Bulao Balite sa bayan ng Tinambac.

Positibo namang kinilala ng kaniyang asawa ang bangkay ng biktima sa pamamagitan ng T-shirt, short at brief na siyang suot nito ng araw na bihagin ng mga rebelde.

Pinaniniwalaan namang ang biktima ay napagkamalan ng mga rebelde na asset ng militar kaya pinaslang. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Ed Casulla)

BATAY

BRGY

BULAO BALITE

CAMARINES SUR

CAMP SIMEON OLA

DIOSDADO PORTILO

ED CASULLA

NEW PEOPLE

SITIO TIPON-TIPON

TINAMBAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with