^

Probinsiya

P7-M ransom demand sa 3 engineer na kinidnap

-
ZAMBOANGA CITY – Humingi na ng P7-M ransom ang pinaghihinalaang notoryus na grupo ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang kapalit ng pagpapalaya sa tatlong inhinyero ng Globe Telecoms na dinukot sa Tubaran, Lanao del Sur noong Martes.

Ayon kay Brig. Gen. Francisco Gudani, chief ng 1st Marine Brigade at Task Force Ranao, ang ransom demand ay ipinarating ng grupo sa kumpanya ng mga biktimang sina Engineer Scenio Polistico, Jennifer Bargarola at Edwin Esguerra at dalawa pa nitong kasamahan sa trabaho.

Nagbanta umano ang mga kidnappers na may mangyayaring masama sa mga biktima kapag hindi naibigay ang hinihingi nilang ransom kapalit ng kalayaan ng mga ito.

Magugunita na ang mga biktima ay kinidnap ng mga suspek habang nagi-inspeksiyon sa isang cellsite ng Globe sa isang lugar sa bayan ng Tubaran.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng militar upang mailigtas ng buhay ang mga biktima. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

EDWIN ESGUERRA

ENGINEER SCENIO POLISTICO

FRANCISCO GUDANI

GLOBE TELECOMS

JENNIFER BARGAROLA

MARINE BRIGADE

ROEL PARE

TASK FORCE RANAO

TUBARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with